happiness

happiness
looking for my real happiness

Miyerkules, Enero 20, 2016

Ang SCAM mong Pag-ibig

Paano ba sisimulan ang isang istoryang walang simula..Yung tipong nasa kalagitnaan palang gusto ko ng tapusin pero lumakbay pa ng malayu-layong kilometro. Napagod na ata ang mga daliri kong ititik ang mga detalye ng nascam mong pag-ibig. Tila ang utak ang nagsasadula, ang puso ang nagdidikta. Hindi pa nga umuusbong, bakit tila lumalabo ang tintang pansulat sa naantalang istorya...
Simple lang naman noon.. siya at ako..tayong walang kaalam alam sa itatakbo nitong relasyong ikaw ang nagsimula. Dati, di ko na naisip pang lumingon, kasi nasugatan na ang puso at nangalay na ang mga paang tumakbo papalapit sa nakalipas kong pag-ibig. In short, naghabol sa taong patuloy lang tinakas ang landas papalayo sa akin..Sugat na di gumaling galing kahit 2 taon na ang lumipas. Pusong may kaskas ng yelong hinangin ng malamig na panahon ng nakalipas. Saktong nandoon ka. Sa tabi ko..pinuno mo ng ngiti ang labi kong sanay ng sumimangot sa bagot at lungkot ng mga nagdaang araw. Saktong nandoon ka..tinulungan mo akong pulutin ang mga bahagi ng natapak tapakang piraso ng puso kong pagal. Nasabi ko pa nga sa Dios, kung gaano ako kasaya na may taong tulad mo na galing sa Kanya...Sabi ko sayo na di ko na ata kayang umibig pa tulad ng dati..di ko mapapalitan ang pagtinging pinaramdam mo sa akin..Nangako akong sa takdang panahon ang Dios ang saksi at gagabay sa atin ng lubusan kitang mahalin. 

Dumaan ang mga panahon nakamit mo ang matamis kong oo sa kabila ng walang kasiguraduhang pangako ko sayo,..di ka sumuko. Umusbong ang bubot kong pag-ibig at tuluyan na ngang nahulog sa iyo. Akala ko magiging madali ang mga susunod na takbo ng istoryang ito..di pala..ng mahulog sayo tila ikaw ang unti unting sumusuko..nabagot ka na ba sa pagaantay na maging karapat dapat ako sa tulad mo? Na scam nga ba ako ng pag-ibig na sa una lang pala may interest rate ngayon nalulugi na?
Tila mayhinahanap ka palang katangiang di ko taglay..at dahil dun hindi pla buo ang puso mo nang ibigay mo sa akin..hayaan mo aalis muna ako..ipapahinga ko ulit tong puso ko..di ito para sayo..sa akin muna kasi napagod eh..sana sana...maraming sana sa utak at puso kong matamlay sa ngayon..Kung di lang..kung sana di mo..madaming di matapos tapos na linyang di ko maparating kahit sa kapirasong pahina ng istoryang makulay noon..ngayon matamlay na kulay ang nakapaloob. 


Kung may isa akong panghihinayang ay yung umibig ako muli sa maling pagkakataon...sa maling akala,..sana di sa maling tao..kasi kahit saan mo tingnan, pagbalig baligtarin mo man ang utak at isip ko..nandito ka na..mukhang mahihirapan nanaman ata ako nito. Parang isang mahabang panaginip na gusto ko ng magising..sa katotohanang di pla napapantay ang pag-ibig..na walang higit o sobra..ang totoo lahat nagsimula sa di tunay na pag-ibig..yung tipong puro, walang bahid ng kondisyong mawawala din pala sa mga susunod na panahon..Ang tunay na pag-ibig kapag binigay..dapat buo tulad ng pagtanggap sa taong mahal mo..buo walang bahid ng pagtatago. Yan ata ang turo sa akin ng matinding leksyon ng buhay pag-ibig. 

Susuko o lalaban...tanong ko sa sarili ko at sayo..nascam nga ba ako? o lahat ng ito ay pagsubok lang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento